SA pagbawi ng House prosecution panel sa tatlong impeachment charges na inihain laban kay Vice President Sara Duterte, marami ang nagulantang at mga nagtaas ng kilay. Gayunpaman, nilinaw ni lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro na ang pagbawi ng mga inihaing kaso laban sa pangalawang pangulo ay pasya ng buong prosekusyon. “The prosecution respectfully manifests that it will no longer pursue three of them. It will stand on one, and that is Article II on unexplained wealth,” wika ni Luistro sa harap ng senator-judges. “We believe that evidence is substantial and compelling, and warrants the respondent’s removal from office for culpable violation of the Constitution and betrayal of public trust,” dugtong ng punong tagausig. Ang Article II ang huling iprinisinta ng prosekusyon laban kay Vice President Sara Duterte na nag-aakusa sa sa pangalawang pangulo ng “unexplained wealth, paglabag sa panuntunan sa pagsusumite ng Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs), at conflict of interest. “We believe we have provided sufficient evidence on all these allegations,” saad pa ni Luistro. Paglilinaw ni Luistro, hindi na bago ang desisyon ng prosekusyon iatras ang tatlong kaso. Katunayan aniya, nangyari na rin ang pagbawi ng kaso sa impeachment trial kay dating Supreme Court Justice Renato Corona. Para kay Luistro, sapat na ang Article II para patalsikin at tapusin ang political career ng bise presidente. Malaking bentahe rin aniya sa sambayanan kung mag mapapabilis ang proseso ng impeachment laban sa bise presidente dahil ang depensa ay kailangan na lamang maglabas ng kontra-ebidensya sa mga ipinrisinta ng prosekusyon. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Tugon sa epekto ng El Niño sa agrikultura, kasama sa budget Pagdalo ni Trump sa ASEAN Summit sa Pinas, kasado na