PARA kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hindi hamak na mas ligtas na ang mga lansangan sa ilalim ng kanyang panunungkulan kung pagbabatayan ang datos ng Philippine National Police (PNP) para sa unang tatlong buwan ng 2024.
Sa kanyang talumpati sa Malacañang para sa panunumpa ng 55 bagong PNP generals, ipinagmalaki ng ang patuloy na pababa ng bilang ng mga index crimes.
Batay aniya sa datos ng PNP, pumalo lang sa 5,939 insidente ng krimen ang naitala mula Enero hanggang Marso 2024 – mas mababa kumpara sa 7,583 kaso sa parehong panahon ng nakalipas na taon.
Kabilang aniya sa mga bumabang insidente ay may kinalaman murder, homicide, physical injury, robber rape, theft at carjacking.
Direktiba ni Marcos sa mga bagong heneral – tiyakin ligtas ang bawat mamamayan, alinsunod sa polisiya ng inilunsad na Bagong Pilipinas kung saan “zero tolerance” aniya hindi lamang kriminalidad kundi maging sa paglabag sa karapatang pantao at katiwalian sa pamahalaan.
Habilin ng Pangulo sa mga bagong heneral, ang estrella sa balikat ay hindi nangangahulugan ng pagtaas ng ranggo kundi isang paalala sa sinumpaang tungkulin magsilbi ng tapat, gawing ligtas ang bawat komunidad at protektahan ang mamamayan laban sa banta ng kriminalidad.
Dapat rin anniya maging huwaran ang mga bagong heneral para tularan ng buong kapulisan.
