TALIWAS sa posisyon ng isang batikang election lawyer, nanindigan ang hanay ng mahigit 42 barangay sa pasya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Nobyembre ng susunod na taon.
Sa kontra-petisyong inihain sa Korte Suprema ni Liga ng mga Barangay ng Pilipinas national president Ma. Kristina Jessica Dy kasama ang nasa 50 barangay officials, hayagang kinatigan ang Republic Act 12232 na nagtatakda ng BSKE sa Nobyembre 2026, sa halip na Disyembre ng kasalukuyang taon.
Anila, naaayon sa 1987 Constitution ang pagpapaliban ng BSKE.
Partikular na sinaling ng Liga ang petisyon ni election lawyer Romulo Macalintal na humihiling sa Korte Suprema na ideklarang “unconstitutional” ang RA 12232 na nilagdaan ni Marcos kamakailan.
Sa ilalim ng petisyon ni Macalintal, wala naman umanong katagang “postponement” na binanggit sa RA 12232.
Kung itutuloy ang BSKE sa Disyembre, lalabas anilang dalawang taon lang ang panunungkulan ng mga halal na opisyales ng barangay at sangguniang kabataan. (Balita at larawan ni ITOH SON)
