PARA kay Manila Rep. Rolando Valeriano, hindi angkop na idamay ang buong institusyon dahil lamang sa kasalanan ng ilan.
Hindi man hayagan tinukoy ang pinasasaringan, hinamon ni Valeriano ang mga aniya’y pilit na sumisira sa integridad ng buong Kamara dahil lang sa hinala.
Una nang ibinunyag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang umano’y tumataginting na 40 percent kickback na nakukuha ng mga congressman sa mga infrastructure projects sa nasasakupang distrito.
Ayon kay Valeriano, mas mainam kung ilalabas ang pangalan ng mga congressman na sangkot sa mga pinondohang “ghost projects” ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
