SA kabila ng paandar ng pamahalaan sa kaligtasan ng mga mamamahayag, nananatiling peligroso ang trabaho ng mga journo sa bansang pinaghaharian ng mga nasa poder na hindi marunong tumanggap ng kritisismo.
Sa isang pahayag, kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang insidente ng pagpatay sa isang tanyag na radio broadcaster sa lungsod ng Bislig, lalawigan ng Surigao del Sur.
Partikular na tinukoy ng NUJP ang pamamaslang kay Erwin Segovia, isang radio broadcaster na mas kilala sa pangalang “Boy Pana.”
“The National Union of Journalists of the Philippines strongly condemns the brazen killing of Erwin “Boy Pana” Segovia, a radio broadcaster and station manager of Radyo Gugma in Bislig City, Surigao del Sur, who was gunned down by unidentified assailants on the morning of July 21.”
Segovia’s murder follows a grim pattern that reflects the long standing climate of impunity that clouds the practice of journalism in the Philippines. If the killing is proven to be connected to his work, he would be counted as the fifth journalist murdered in the line of duty under the Marcos Jr. administration,” dismayadong pahayag ng unyon ng mga mamamahayag.
Bago pa man ang pagpatay kay Segovia, itinumba rin ng hindi pa natutukoy na salarin ang beteranong mamamahayag na si Johnny Dayang sa loob ng kanyang tahanan sa Kalibo, Aklan.
Panawagan ng NUJP sa pamahalaan, hustisya kay Segovia, Dayang at iba pang mamamahayag na biktima ng karahasan sa bansa.
Hindi rin anila dapat hayaan manatili sa laya ang mga responsable sa pagpatay kay sa mga Pinoy journo, gayundin sa kalayaan sa pamamahayag. (SONNY FERNANDEZ)
