UMULAN man o umaraw, tuloy ang operasyon ng pamahalaan kontra droga, ayron kay Undersecretary Isagani Nerez na tumatayong director-general ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa isang pahayag, ibinida ni Nerez ang hindi bababa sa P409.22-milyong halaga ng shabu at marijuana ang nasabat ng PDEA, kasama ang iba pang law enforcement agencies sa nationwide anti-illegal drugs operations mula Hulyo 11 hanggang 19, ng kasalukuyang taon.
Sa datos ng ahensya, pumalo sa 109 suspek ang dinakip sa 81 buy-bust operation ng ahensya sa loob lang ng isang linggo. Kumpiskado rin sa PDEA ang 56,115.7 gramo ng shabu; 4.60 gramo ng kush; 3,016.04 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana; 26,423.57 gramo ng marijuana stalks; 120,340 gramo ng tanim na marijuana plants at 780 piraso ng binhi.
Tampok din sa ulat ng ahensya ang dalawang interdiction operations na isinagawa ng mga elemento ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa NAIA Terminal 3, Pasay City noong Hulyo 14, 2025 na humantong sa pagka aresto sa isang babaeng Canadian national at isang Pinoy na dinakip sa pag-iingat ng 44,266 gramo ng shabu.
“I commended the efforts of drug law enforcers for nailing notorious drug personalities and seized sizable amounts of illegal drugs, thus making significant dents against the country’s illegal drug trade. Notable anti-drug accomplishments are achieved regularly on a weekly basis, because of the strengthened partnership and collaboration among the country’s drug law enforcement agencies,” pahayag Nerez. (LILY REYES)
