
TALIWAS sa pasabog ni Senador Imee Marcos, nilinaw ng tagapagsalita ng Kamara na walang ambisyon maging Pangulo si House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay House spokesperson Atty. Princess Abante, malinaw sa mga kilos ng Romualdez na hindi sasabak sa 2028 presidential election ang lider ng Kamara.
“Malinaw po, wala sa kilos, pananalita o gawain ni Speaker Romualdez ang pagtakbo sa 2028. Hindi siya nagpapakita sa media para magpasikat. Wala siyang presscon para magpabango. Hindi rin siya gumagamit ng TikTok or vlogs para magpa-cute,” wika ni Abante.
“Ang inuuna niya, serbisyo hindi sariling interes,” dugtong the House spokesperson.
“At higit sa lahat, si Speaker ay kilala sa paggawa ng mga desisyong mahirap at hindi palaging popular. Ganyan ba ang may plano sa 2028? Dahil kung ang iniisip mo ay eleksyon, hindi mo gugustuhing masaktan ang iba para lang magpatupad ng tama.”