SA kabila ng ingay na dala ng kontrobersiyang ginagamit sa pamumulitika, nanindigan ang isang lider-sibiko na higit na angkop mangibabaw ang katotohanan sa likod ng pagsupil sa katiwalian sa pamahalaan.
Sa isang pahayag, hinikayat ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang mga mamamayan na maging mapanuri sa asal ng mga aniya’y nais lamang pabagsakin ang gobyerno.
Ayon kay Goitia, higit na kailangan manaig ang tsismis kaysa katotohanan at ingay kaysa katinuan, kasabay ng giit na hindi kailangan ang drama para maarok ang
“Maraming nakakalimot na lumalakas lang ang boses ng kasinungalingan dahil ayaw makipag-away ng katotohanan,” wika ni Goitia. “Hindi kailangan ng katotohanan ang palabas para paniwalaan.”
At habang patuloy ang pagkalat ng mga walang basehang paratang, tahimik ngunit tuloy tuloy aniya ang pagtatrabaho ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos para sa kapakanan ng bansa.
TULOY ANG TRABAHO
Hindi umano humihinto ang pamahalaan dahil lamang may gustong lumikha ng iskandalo — patuloy ang pag-unlad ng bansa, patuloy ang mga hamon. At sa gitna ng lahat, nananatiling nakatutok si Pangulong Marcos sa kanyang tungkulin nang may disiplina at malinaw na direksyon.
Umuunlad ang ekonomiya. Patuloy ang mga imprastraktura. Mas maraming pamilya at komunidad ang naaabot ng tulong at serbisyong panlipunan. Lumalakas ang relasyon sa lokal na pamahalaan at mga kaalyado sa ibang bansa.
“Lahat ng ito ay nagpapatuloy dahil hindi nagpapadala ang Pangulo sa ingay,” dugtong ni Goitia. “Ang tunay na lider ay hindi nagpapadikta sa sigawan. Nagseserbisyo sila anuman ang sabihin ng iba.”
Ang mga nagtataguyod ng bansa ay walang oras para sa gulo.
TARGET: UNANG GINANG
Hindi dahil aniya sa anumang pagkukulang kaya isinasangkot ang Unang Ginang sa mga walang basehan paratang. Ginagawa ito dahil tumatanggi siyang makisabay sa ingay ng pulitika. Nakatuon si Liza Araneta Marcos sa kultura, edukasyon, at pagpapalakas ng pamahalaang institusyonal.
“Ang hindi nila kayang kontrolin, ay siya nilang inaapakan,” sabi ni Goitia. “Kaya tinatarget ang Unang Ginang, dahil hindi niya sila pinapatulan. Trabaho ang inuuna niya, hindi kaguluhan.”
Ang kanyang katahimikan ay tanda ng lakas at dignidad. Ganito kumilos ang lider na inuuna ang resulta, hindi ang pansamantalang atensyon.
HINDI MAGPAPATINAG
Sinumang totoong sumusubaybay sa Pangulo ay makikita ang katotohanan na hindi kayang itago ng paninirang-puri. Nagtatrabaho siya araw araw. Nangunguna sa cabinet meetings, nagsasagawa ng inspeksyon, nakikipag-ugnayan sa mga lokal at pandaigdigang lider, at nagpapatuloy sa repormang pang-ekonomiya.
“Kung may lider kang makikitang matatag sa gitna ng sunod-sunod na pagsubok,” pahayag ni Goitia, “iyan ang lider na inuuna ang bayan bago ang sarili.”
At hindi kayang tabunan ng ingay ang konkretong ebidensya ng kanyang pamumuno.
BAYAN SA KATOTOHANAN
Binigyang diin ni Goitia na ang walang basehang paninira ay hindi lang nakakasira ng pangalan. Nakakasira ito ng bansa. Nililito ang bayan. Hinahati ang komunidad. Pinapahina ang mga institusyon at pinipigil ang pag-unlad.
“Lason ang tsismis,” babala niya. “Hindi ito naglilingkod sa bayan. Naglilingkod lang ito sa mga gustong maghasik ng kaguluhan.”
Panawagan ni Goitia sa sambayanan, hanapin ang ebidensya, hindi emosyon. Katotohanan, hindi haka-haka.
TUNAY NA PAGLILINGKOD
Kahit may paninira at kaguluhan, nananatili ang isang bagay. Hindi tumitigil si Pangulong Marcos at ang Unang Ginang sa kanilang serbisyo. Patuloy nilang pinapalakas ang bansa sa tahimik at tapat na paraan.
“Habang inuubos ng iba ang oras nila sa paggawa ng ingay, ang Pangulo at ang Unang Ginang ay nagtatrabaho,” sabi ni Goitia. “Iyan ang tunay na liderato.”
Ang natitirang miyembro ng Pamilya Marcos, ayon kay Goitia, ay nananatiling may dignidad at nakikiisa sa layuning pag-isahin at palakasin ang bansa.
Sa huli, hindi mahalaga kung sino ang pinakamalakas ang boses. Ang mahalaga ay kung sino ang may gawa para sa sambayanan.
At hanggang ngayon, nagpapatuloy ang trabahong iyon. Tahimik. Matatag. Hindi natitinag.
Si Dr. Jose Antonio Goitia ay Chairman Emeritus ng apat na civic-oriented organizations kabilang ang Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD),People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER),Liga Independencia Pilipinas (LIPI), atFilipinos Do Not Yield (FDNY) Movement.
