Matapos hambalusin ng bigtime oil price hike sa unang araw ng Abril, asahan ang panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo pagsapit ng Martes (Abril 8), ayon sa Department of Energy (DOE).
Sa pagtaya ng DOE, maglalaro sa 24 sentimos kada litro ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina, habang inaasahan naman magpapataw ng 21 sentimos na dagdag sa kada litro ng krudo.
Wala naman umanong nakikitang paggalaw sa presyo ng kerosene.
Kabilang sa umano’y dahilan sa likod ng panibagong oil price hike ang mas mataas na taripang ipinataw ni US President Donald Trump sa maraming mga bansa.
