Dalawang linggo matapos basahan ng sakdal, kumpleto na ang koponan ng mga abogadong magtatanggol kay former President Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity na kinakaharap sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Ayon kay Atty. Nicholas Kaufman na tumatayong lead defense counsel ni Duterte, ihahayag sa Lunes ang pangalan ng mga abogado – kabilang ang isang Pinoy.
Paglilinaw ni Kaufman, etsa-pwera sa legal defense team si former presidential spokesperson Harry Roque, isang ICC-accredited lawyer.
Ang dahilan — masyadong abala ang dating tagapagsalita ng Palasyo.
Paliwanag ni Kaufman, posibleng hindi makadalo sa mga pagdinig ng ICC si Roque na aniya’y gugugol ng panahon sa proseso sa hirit na asylum sa The Netherlands.
