KUNG meron man napatunayan sa paglilitis ang mga bayarang abogado ng pangalawang pangulo, yun ay ang pagiging “consistent failure” na durugin ang kredibilidad ng mga testigo ng prosekusyon.

Ito ang walang kagatol-gatol na pahayag ni House impeachment adviser and trial spokesperson Ace Barbers nang hingan ng komento hinggil sa ginawang cross-examination ng depensa kay Forensic Financial Analyst Atty. Alexander Cabrera.

“Sa tingin ko very consistent ang lawyers sa defense panel. Consistent sila na hindi nila nagigiba ang witnesses,” wika ni Barbers.

Sa mata ng Senate impeachment court, pinakamabigat sa naging testimonya ni Cabrera ang pagtaya niya na pagkakaroon ng P817.87 million unexplained wealth ng bise presidente at mister na si Atty. Manases Carpio mula 2022 hanggang 2025. 

Ibinase ni Cabrera ang financial analysis sa bank balances, insurance, investments, business interests at tax records ng Duterte-Carpio couple na nauna na rin nasura sa impeachment proceedings.

Sa pagtatanong ng defense lawyer kay Cabrera, hindi aniya matukoy kung saan tutungo ang cross-examination at kung ano ang pinupunto abogado ng nasasakdal.

“Parang habang pinakinggan natin ang kanilang pagtatanong, nanghuhula kami kung saan papunta,” aniya.

“Again, they were not directly asking questions pertaining to the findings. Parang tinorture tayo dito para pakinggan ang mga ganong klaseng tanong,” pahabol ni Barbers. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *