MATAPOS pagbigyan ang hirit na makapag piyansa ni former Senador Bong Revilla, hayagang tinabla naman ng Sandiganbayan ang petition for bail ng tinaguriang BGC Boys na kasama sa kaso ng dating mambabatas.
Partikular na tinanggihan ng anti-graft court ang hirit nina dating DPWH assistant district engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza na kasamang kinasuhan kaugnay ng mga ghost flood control projects sa bayan ng Pandi sa lalawigan ng Bulacan.
Batay sa resolusyong nilagdaan ni Associate Justice Ronald Moreno, ibinasura ang hiling na makapagpiyansa nina Hernandez, Mendoza, Arjay Salvador Domasig, Emelita Capistrano Juat at Juanito Coronel Mendoza.
Batay sa pasya ng Sandiganbayan, nabigo ang kampo nina Hernandez at Mendoza na pabulaanan ang mga ebidensya ng prosekusyon.
Sa kabilang banda, kinatigan ng Sandiganbayan ang bail application nina Revilla matapos bunsod umano ng kakulangan ng ebidensya ang prosekusyon.
