NAGSAMPA muli ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China kasunod na pinakahuling pambabarako sa Scarbourough Shoal at Ayungin Shoas sa West Philippine Sea.
Sa Palace briefing, sinabi ng Department of Foreign Affairs na nagsampa na ng protesta ang Philippine Embassy sa Beijing dahil sa insidente.
“Yes, we used the maritime communication mechanism and it was used yesterday at 12 o’ clock noon, the Department of Foreign Affairs launched its diplomatic protest with the Chinese Ministry of Foreign Affairs through a phone call,” sabi ni DFA spokesperson Teresita Daza.
“In terms of the demarche undertaken by our Philippine Embassy in Beijing, yes we confirm that our Philippine Embassy in Beijing has made a demarche to the Chinese Ministry of Foreign Affairs officials yesterday concerning the Bajo de Masinloc incident,” dagdag pa ni Daza.
Ipatatawag din si Chinese Ambassador Huang Xilian para sa isampang reklamo. Sa panawagan umanong ituring na persona non grata si Huang, sinabi ni Daza na seryoso itong pag-aaralan.
“If you do something or say something that is unwelcome, then you can be subject to what they call persona non grata but with this case, I think it’s something that we’ll have to be seriously considered whether the incidents or the series of incidents merit having him a persona non grata,” paliwanag ni Daza. Idinagdag nito na ang mga envoy ay kailangang nagpapatatag sa relasyon ng dalawang bansa ay hindi upang pag-awayin ito.
“We’re calling that [he] actually assumes, that he will try to do his best to actually enhance relations between the two countries,” ayon pa kay Daza.
Ginamitan ng Chinese vessels ng water cannon at binangga pa ang barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Nitong Linggo, sinabi ng NTF-WPS na ang delikado ang harassment at pagmamaniobra ng China Coast Guard (CCG) at Chinese Maritime Militia (CMM) sa resupply mission ng Pilipinas. Sinabi rin ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na hindi katanggap-tanggap ang ginagawa ng China sa Pilipinas higit lalo na nasa teritoryo sila ng bansa.