November 12, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

BONG GO NANAWAGAN SA DOH: MAGHANDA SA TUMATAAS NA KASO NG FLU-LIKE ILLNESS

PINAGHAHANDA ni Senador Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate Committee on Health, ang Department of Health at tugunan ang ulat na pagtaas ng mga kaso ng flu-like illness sa Pilipinas.

Ito sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng flu-like illness sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Karamihan sa mga tinatamaan ng sakit ay mga bata.

Matapos tulungan ang mga residente sa Pamplona, ​​Cagayan, sinabi ni Go na suportado niya ang posibleng inquiry ukol sa kahandaan ng gobyerno sa paghawak ng dumaraming kaso ng trangkaso.

“Ako, pabor po ako dito. I am willing to call for a hearing dito para mapakinggan natin yung preparedness ng ating gobyerno, ng Department of Health (DOH) regarding the rising cases of influenza and how to address this problem dahil ayaw nating lumala ito at ayaw nating maapektuhan ang ating mga kababayan,” anang senador.

Binigyang-diin niya ang kritikal na kahalagahan ng kalusugan at ang pangangailangan para sa DOH na maging handa.

“Tandaan natin na ang kalusugan ay katumbas ng buhay ng bawat Pilipino,” ani Go.

Iniulat ng DOH ang apat na kaso ng “walking pneumonia”: isang kaso noong Enero, isa pa noong Hulyo, at dalawang karagdagang kaso noong Setyembre.

Ngunit sinabi ni DOH Secretary Ted Herbosa na sa kasalukuyan ay walang outbreak ng walking pneumonia sa bansa.

Sa kabila nito, hinimok ni Go ang mga Pilipino na panatilihin ang pagbabantay at sundin ang mga protocol sa kalusugan, kabilang ang boluntaryong paggamit ng face mask.