MAGKAKAROON ng pagbaba sa power rates ngayong Disyembre matapos ang tatlong magkakasunod na buwan ng pagtaas nito, ayon sa Manila Electric Co. (Meralco) ngayong Lunes.
Ito, ayon pa sa kalatas, ay bunsod ng pagbaba ng rate mula sa spot market at independent producers.
Sinabi ng Meralco na bababa ang rate ng 79.61 centavos per kilowatt-hour, kung saan ang buwanang rate sa isang tipikal na pamilya ay P11.2584/kWh mula sa dating P12.0545/kWh noong Nobyembre.
Ito ay nangangahulugan ng pagbaba ng P159 sa kada 200 kWh na nakonsumo, P239 sa 300 kWh, P318 sa 400 kWh, at P398 sa 500 kWh.
Ang pagbaba, ayon pa sa Meralco. Ay dahil sa P0.6606 downward reduction sa generation charge sa P6.5332/kWh mula P7.1938/kWh, kasama na ang pagbaba ng charges mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at Independent Power Producers (IPPs).
Bumagsak ang singil ng WESM sa P2.7624/kWh dahil sa maayos na supply ng Luzon Grid, habang ang IPP charges ay bumaba rin ng P0.4731/kWh dahil sa pagbaba sa paggamit ng mas mahal na liquid fuel at mababang international coal prices.