
PARA kay dating Senador Panfilo Lacson, tuluyang babagsak ang integridad ng Kongreso kung mananalo pa rin ang mga tinawag niyang mga bopol na kandidato.
“This reminder may come a bit early for the May 2025 polls but I will say it just the same. Electing more candidates who fart from their brains and think from their anuses will do our country more harm than good,” patutsada ni Lacson sa isang social media platform.
Panawagan ng dating senador na napabalitang muling sasabak sa 2025 senatorial election, malalagay sa peligro ang Pilipinas kung makalusot sa susunod na halalan ang mga kandidatong nasa tumbong ang utak.
Gayunpaman, walang partikular na pangalang binanggit si Lacson, subalit may mga netizens na naniniwalang pasaring kay reelectionist Sen. Ronald dela Rosa ang pahayag ng dating senador.
“Yes agree, the likes of Robin Padilla and Dela Rosa and other celebrities who rode their popularity to senate,” saad sa komento ng isang netizen.
May nagsabi rin na mas angkop na isama sa kwalipikasyon ng mga nagnanais maging mambabatas ang may alam sa batas.
“Sana maging batas na lahat ng lawmakers will be at least college graduate or law graduate. Or after na ma-elect they should study law.”
Samantala, sinisi naman ng isa pa ang Commission on Elections na panay lang ang tanggap sa mga kandidato kahit alang alam sa pinapasok sa karera sa gobyerno.