NAGLABAS na ng computerized facial composite ng isa sa mga suspect sa pagpaslang kay broadcaster Juan Jumalon.
Si Jumalon, 57, anchor ng Calamba Gold 94.7 FM station, ay binaril nang malapitan, Linggo ng alas-5:35 ng umaga. Ang pagpatay ay nakuhanan ng CCTV.
Sinabi ni PNP public information office chief and spokesperson Col. Jean Fajardo na ang Police Regional Office (PRO) 10’s (Northern Mindanao) Regional Forensic Unit ang gumawa ng facial composite.
Ayon sa composite sketch, ang suspect ay may taas na 5’5 hanggang 5’6, nasa 40 ang edad ay may kayumangging balat. Nakasuot ito ng pulang sumbrero, green na shirt at itim na shorts.
“Computerized facial composite of one of the suspects in the shooting incident victimizing Juan Jumalon or Johnny Walker. Ito ang kasama ng gunman na naiwan sa may gate,” sabi ni Fajardo.