INAMIN ni bagong talagang Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na hindi pa kayang ipatupad ang P20 kada kilo ng bigas na ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kampanya noong 2022.
Sa kanyang unang press briefing ngayong Lunes, sinabi ni Laurel na ang mas inaasam ng departamento ay ang higit na abot-kayang presyo ng bigas sa pagtatapos ng 2024.
“Mahirap itong makamit,” sabi ni Laurel.
“The P20 per kilo was an aspiration, ‘di ba? Ang problem now, we are in the 15-year high sa world market…Today that is not possible. But with ‘yung directive ni Presidente to modernize, irrigate, use the right seeds, mechanize, and all of that, maraming gagawin, we are getting ready to do our best, to try to make rice affordable na kayang kaya ng bulsa ng mamamayan,” sabi ni Laurel.
Sinabi ni Laurel na ang mas posibleng mangyari sa ngayon ay ang maibaba ang presyo ng bigas.
Gayunman, hindi niya ito ipinaliwanag.
Hindi rin niya sinabi ang presyo ng mababang bigas.
“It is possible to lower the price, definitely. But we have to have our silos, we have to have buffer stock, we have to change some laws, I believe,” sabi pa ni Laurel.