
Ni ESTONG REYES
SA gitna ng nakaambang water crisis bunsod ng sabayang epekto ng tag-init at El Niño phenomenon, sisikapin ng Senado pagtibayin ang panukalang paglikha ng Department of Water Resources bago magsara ang plenaryo ng 19th Congress sa unang bahagi ng 2025.
“We are about to go on a break before the SONA (state of the nation address), I think it’s unrealistic to say that we will pass it then, sa dami ng problema, but we will endeavor to pass it definitely by this Congress because we have to, this is crucial,” wika ni Senador Grace Poe sa unang pagdinig ng Senate Committee on Public Services.
“I am glad that this administration finally has set as its priority the creation of this department,” pahayag ni Poe.
Pag-amin ni Poe, medyo diskumpyado siya sa paglikha ng bagong kagawaran. Gayunpaman aniya, naniniwala siyang higit na mahalaga magkaroon ng sentralisadong tugon ang pamahalaan sa pangangasiwa ng tubig.
Paniwala ni Poe, may sapat na pinagkukunan ng yamang tubig ang bansa subalit kapos wastong regulasyon at epektibong pangasiwaan.
Sa paglikha ng DWR, sinabi niya na magkaroon ang pambansang pamahalaan ng epektibong pamamahala sa 421 river basins, 59 natural lakes, 100,000 ektarya ng freshwater swamps, 50,000 square kilometer ng groundwater reservoir at 2,400 millimeters ng average rainfall sa buong taon.