BILANG pagsuporta sa pagnanais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa. tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na isusulong ng Kamara ang paglalaan ng pondo para sa 20,000 bagong posisyon ng guro na itatalaga sa iba’t-ibang pampublikong paaralan sa bansa.
Pagbibigay-diin ni Speaker Romualdez, sisiguraduhin ng Kamara ang patuloy na pagpopondo sa mga bagong teaching position sa ilalim ng Department of Education (DepEd), na pinamumunuan ni Secretary Sonny Angara.
Tinawag ni Speaker Romualdez ang inisyatibo ng Marcos administration na isang makabuluhang hakbang na tugon hindi lang sa sektor ng edukasyon kundi maging sa pagpapalakas ng kabuuang job generation ng bansa.
“All 20,000 new teaching items are about changing lives, not just addressing the shortage of teachers in our classrooms. Each position filled means a teacher in front of students who need guidance, and a Filipino family with a new source of income, dignity and hope,” ani Speaker Romualdez.
Ayon pa kay Speaker Romualdez, hindi lamang poprotektahan ng Kamara ang pondong ito sa panahon ng implementasyon, kundi sisiguraduhin din ang tuloy-tuloy na paglalaan ng pondo sa 2026 budget at sa mga susunod pang taon upang masiguro ang pagpapatuloy ng programa.
Ipinaabot naman ng House Speaker ang kanyang taos-pusong pasasalamat kay Marcos sa paninindigan palakasin ang sistema ng edukasyon kung saan kinilala rin niya na ang tunay na reporma ay nagsisimula sa mga guro na siyang naghahatid ng kaalaman sa bawat silid-aralan.
“We thank the President for championing this initiative. This is what leadership looks like: one that understands that the future begins in every classroom,” pahayag pa ng pinuno ng 306-strong member na House of Representatives.
Samantala, pinuri ni Speaker Romualdez si Secretary Angara sa pagiging aktibo at may malalim na kaalaman sa mga hamong kinakaharap ng sektor ng edukasyon.
“Secretary Angara brought not only data but vision, backed by years of legislative work on education. Under his leadership, we know these funds will be translated into real results on the ground,” sambit pa niya.
“Let’s be clear: this is not just an education initiative. It’s also a bold job-generation program. We are creating 20,000 permanent government positions. That means 20,000 families with new income, thousands of education graduates finally landing their first job, and hope returning to homes across the country,” dagdag ni Speaker Romualdez.
Muli ring iginiit ni Romualdez ang pangako ng Kamara na isusulong ang mga polisiya kung saan inuuna ang kapakanan ng publiko na sumasalamin sa layunin ng Bagong Pilipinas agenda.
“Each teacher we hire is a nation builder,” ani Speaker Romualdez. “With the President’s guidance, and with Secretary Angara’s leadership, the House will keep fighting for every Filipino child’s right to learn and every Filipino graduate’s right to work. This is how we build a better future together.” (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
