NAGBITIW sa pwesto sa Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Press Secretary Cheloy Velicaria-Garafil.
Sa pagbibitiw ni Garafil, agad naman itinalaga bilang Presidential Communications Office Secretary si Senior Undersecretary for Strategic Communications Cesar Chavez.
Sa isang mensahe sa mga mamamahayag, kinumpirma ng dating broadkaster ang paghirang ng Pangulo.
Taong 2022 pa nang umugong ang pangalan ni Chavez na kabilang sa mga itatalaga sa PCO. Gayunpaman, naungusan ni Atty. Trixie Cruz ang beteranong brodkaster na nagsilbi rin bilang Transportation Undersecretary sa ilalim ng nakalipas na administrasyon.
Samantala, inatasan naman ni Marcos si Garafil na pamunuan ang bilang hepe ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan, kapalit ni Silvestre Bello III bilang chairperson.
Bago pa man hinirang bilang Press Secretary, apat na buwang nagsilbi si Garafil bilang chairperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
