LUGMOK na ekonomiya at malawakang korapsyon sa pamahalaan ang nakikitang dahilan sa patuloy na paglobo ng utang ng Pilipinas.
Sa impormasyong ibinahagi ng Bureau of Treasury (BTr), pumalo na sa mahigit P17.71 trilyon — katumbas ng P147,826 kada Pilipino — ang kabuuang utang ng bansa, batay sa datos na kumakatawan sa huling bahagi ng nakalipas na taon.
Pag-amin ng BTr, P1.66 trilyon na mas malaki ang karagdagang utang na naitala ng Pilipinas kumpara sa P16.o5 trilyong pagkakautang ng Pilipinas sa pagsasara ng taong 2024.
Gayunpaman, binigyang katwiran ng BTr ang paglobo ng utang dahil sa mga pinondohang development programs at paghina ng halaga ng piso kontra sa dolyar at iba pang currencies.
Sa naturang halaga, P12.12 trilyon ang utang panloob o domestic debt habang P5.59 trilyon naman ang utang panlabas na mula sa mga bagong global bonds, development assistance mula sa international development partners at epekto ng pabago-bagong foreign exchange rate.
Sa kabila nito, tiniyak ng pamahalaan na “manageable” pa rin ang utang ng bansa. (JULIET PACOT)
