HINDI dapat maapektuhan ang mga government officials sa mga reklamong inilarawan ng isang kongresista bilang harassment suits.
Ayon kay Deputy Speaker at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V, bahagi ng serbisyo publiko – lalo pa’t nasa mataas na posisyon – ang batikos, intriga at mga kasong hangad lang ang idiskaril ang pamahalaan at sirain ang kredibilidad ng mga opisyal sa gobyerno.
Panawagan ni Ortega sa mga cabinet officials na patuloy na nahaharap sa harassment suits, ituon ang atensyon sa trabaho.
“Sa public service, lalo na sa mataas na posisyon, hindi mawawala ang batikos, intriga at mga reklamong ang tunay na layunin ay guluhin ang trabaho ng gobyerno at sirain ang kredibilidad ng mga opisyal,” wika ni Ortega.
“Pero wag magpatinag. Tuloy lang ang trabaho at serbisyo para sa taumbayan,” dugtong ng kongresista.
Ginawa ni Ortega ang pahayag bilang reaksyon na rin sa muling pagsasampa ng kaso laban kay Executive Secretary Ralph Recto kaugnay sa paglipat ng P60 billion PhilHealth funds sa pangangasiwa ng Department of Budget and Management (DBM).
Diin ni Ortega, ang alegasyon ay hindi patunay sa sinasabing maling gawain.
“Filing a complaint does not automatically establish guilt. In a democracy, accountability is important, but so is fairness. “Allegations must always be tested against facts, evidence, and due process,” saad pa niya.
“In the case involving the Executive Secretary, it is important to distinguish between policy decisions made by institutions and personal enrichment allegations directed at individuals,” dagdag ng ranking House official.
Kung ang sinisilip aniyang pondo ay legal ang naging paglilipat, accounted for at naibalik din naman ng maayos, dapat na maisaayos ang documentary records at patas na mabigyang linaw ito.
Hinimok din niya ang iba pang government officials na idinamay sa reklamo na makipag tulungan at sundin ang proseso kasabay ng kanilang pagtatrabaho.
“Ang pinakamahalaga hindi hihinto ang serbisyo ng gobyerno dahil sa mga reklamong ginagamit para manggulo o magpasikat. Sa huli, katotohanan pa rin ang mananaig, hindi propaganda at hindi paninira.”
