MABILIS, sistematiko at eksakto. Ganito ang paglalarawan ng ng Philippine Coast Guard PCG) sa makabagong teknolohiya sa pagtugon sa tawag ng saklolo sa karagatan.
Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ng PCG ang Search and Rescue Optimal Planning System o SAROPS na mula sa United States Coast Guard para sa maritime safety at pagresponde sa mga insidente sa dagat.
Para kay Captain Noemie Cayabyab na tumatayong tagapagsalita ng bantay-dagat, higit na pinalakas ng SAROPS ang tinawag niyang whole-of-government approach ng Pilipinas sa mga rescue operation.
Dahil aniya sa paggamit “advanced predictive modeling and environmental data analysis,” mas madali ang search and rescue mission.
Ito rin aniya ang matagal nang isinusulong ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan — ang magkaroon ang PCG ng world-class at science-based SAR planning systems.
Dahil nagagamit na ang SAROPS ay magiging kabahagi na ngayon ang Pilipinas sa ilang maritime nations na una nang gumamit ng advanced SAR planning systems na nagpapalakas sa maritime safety. (JULIET PACOT)
