TALIWAS sa buladas hinggil sa pag-ayaw sa umano’y maruming pulitika, biglang kumambyo si Senador Robin Padilla na nagpahiwatig ng interes tumakbo sa 2028 bilang pangalawang pangulo ni Vice President Sara Duterte.
Gayunpaman, may pasubali si Padilla. Aniya tuloy ang kandidatura bilang bise presidente kung yun ang nanaisin ni former President Rodrigo Duterte.
“Kapag utos ni Digong. Walang pwedeng mag-utos sa akin kahit sino, si Digong lang,” anang senador.
“Kasi ayaw ko talaga ng politika, alam naman lahat ng… nanay ko, alam yan, mga kapatid ko, asawa ko. Basta sinabi ni Digong, susunod ako,” dugtong pa ng senador.
Nang tanungin sa kahandaan humawak ng mataas na posisyon, ang tugon ni Padilla — “Ipinanganak po tayong ready.”
“Lalo na yan, para sa akin… Vice President, hindi naman masyadong ano yan… puro advocacy lang yan eh. Parang ikaw ang spare tire, di ba? Kayang kaya yan.” (ESTONG REYES)
