SA kabila ng ipinamalas na sigasig ng mga kaalyadong hangad amyendahan ang economic provisions sa ilalim ng Konstitusyon, nanindigan ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala sa prayoridad ng administrasyon ang Charter Change.
“It’s not a priority for me because there are many things that need to be done… There are so many other things that we need to do first,” pahayag ni Marcos matapos ang pagbisita sa bansang Japan.
“We can get what we want, but within the present… the way the Constitution is written,” diin pa ng Pangulo.
Kabilang sa isinusulong na amyendahan ng ilang kongresista sa Kamara ang tinawag nilang “restrictive provisions” – partikular ang pagbabawal sa mga banyagang magmay-ari ng mga malalaking negosyo sa bansa.
Sa ilalim ng umiiral na saligang batas, mahigpit na tinututulan ang majority shares ng mga dayuhang kumpanya sa mga negosyong nakabase sa Pilipinas.
“I think the attempt is, the reason that it’s being talked about is because of the economic provisions. We want to get investments. Sometimes those get in the way. You all know the issues there — ownership, appropriation, ownership of a corporation, ownership of land”
“But for me, all of these things we are talking about can be achieved without replacing the Constitution,” dagdag pa ni Marcos.
Taliwas naman ang posisyon ng kaanak na lider ng Kamara.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, higit na angkop na ikonsidera ng administrasyon ang Charter Change na inilarawan pa niyang “last piece of the puzzle of the Philippines’ economic growth.”