SA gitna ng patuloy na pambabarako sa karagatang sakop ng teritoryo ng Pilipinas, nagbabadya ang isang malaking alyansang naglalayon panatilihin ang kaayusan sa South China Sea kung saan nakahimpil ang mga barkong pandigma ng bansang China.
Pag-amin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kabilang sa mga tinalakay sa kanyang pagbisita sa bansang Japan ang pagpapalawig ng tripartite agreement sa Japan at Estados Unidos – dalawang bansang kaalyado ng Pilipinas sa mahabang panahon.
Gayunpaman, nilinaw ni Marcos sa isang panayam na nananatiling “concept” pa lang ang binanggit na RP-US-Japan tripartite agreement at kailangan pa ng mas malawak na pagtalakay.
“We haven’t talked about it in detail,” ani Marcos sa panayam sa Kyoto News.
“It’s just been a proposal… There is another proposal from the Japanese on a US-Japan-Philippines tripartite agreement,” dagdag pa niya.
Ani Marcos, nakatakda na rin rebisahin ng pamahalaan ang panukalang tripartite sa hanay ng mga bansa sa Pasipiko, kabilang ang timog-silangang Asya.
“I think just part of the continuing process of strengthening our alliances because in these rather confusing, and I dare say dangerous, situations that we have, I’m not talking only about the South China Sea, I’m not only talking about the Indo-Pacific region but, of course, there is a conflict still ongoing in Ukraine and the rather disturbing effects that it has all around the world,” sambit ng Pangulo sa Kyodo News.
Kabilang sa mga detalyeng target ng isinusulong ng Pangulo ang papel na gagampanan ng Estados Unidos.
“And of course we have to talk to the Americans also para makita kung ano ba talagang roles that are going to be played should there be a tripartite agreement… So ‘yung proposal is in concept pa lang, in principle pa lang. We really don’t have—we don’t really have details yet,” dagdag pa ni Marcos.
“As I said… it’s only been proposed in principle and that’s as far as it goes so far. Now we have to go back and go into the details of all of those different subjects.”
