
Ni Estong Reyes
INAPRUBAHAN ng Senado ang sa bicameral conference committee report sa panukalang nagsusulong ng karagdagang cash benefits sa lahat ng elderly Filipinos.
Nakatakda sa reconciled version ng Senate Bill 2028 at House Bill 7535, o ang “An Act Granting Benefits to Filipino Octogenarians, Nonagenarians, amending Republic Act 10868” na makakatanggap ang lahat ng Filipinos, kahit naninirahan sa Pilipinas o sa abroad, ng P100,000 cash gift kapag sumapit ang 100 years old.
Makatatanggap din ng letter of felicitation mula sa Pangulo ng Pilipinas na bumabamit sa kanilang longevity.
“All Filipinos residing whether in the Philippines or abroad, upon reaching the ages of 80, 85, 90, and 95 shall each receive a cash gift of P10,000,” ayon sa bicam report.
Matatanggap ng seniors ang cash benefits sa taon nang sumapit ng naturang edad.
Nitong Oktubre ng nakaraang taon, sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na aabot 12,186 Filipino centenarians ang nakatanggap ng benepisyo simula noong 2017.
Nakatanggap ang benepisaryo, kahit nakatira sa Pilipinas o sa abroad, ng P100,000 at felicitation at congratulatory letter na nilagdaan ng President of the Philippines matapos ang Centenarians Act of 2016.
Nagbigay din ang DSWD ng posthumous plaques of recognition sa namauyapang centenarians sa naiwan na pamilya.