MATAPOS ang mahabang proseso ng imbestigasyon at pagdinig ng Kongreso, sinampahan na ng kaso ang 12 negosyanteng nasa likod ng kartel na kumontra sa supply at nagdikta ng presyo ng sibuyas noong mga nakalipas na taon.
Sa kalatas ng Philippine Competition Commission (PCC), partikular na tinukoy ng ahensya ang economic sabotage bunsod ng pagpasok sa “anti-competitive agreements” para sa suplay ng imported na sibuyas mula 2019 hanggang 2023.
“Nakita namin na entities involved nag-uusap-usap sa emails and exchange of information sa kung sino ang supplier at kailan paparating ang shipment,” saad ni Atty. Christian Loren Delos Santos, director ng PCC Enforcement Office.
Taong 2022 nang sumipa ang imbestigasyon ng PCC laban sa sibuyas cartel matapos pumalo sa P700 per kilo ang presyo sa mga pamilihan.
Giit ng PCC, nagsabwatan ang mga agri-traders sa pagnanais kontrolin ang supply at presyo sa merkado.
Kasong paglabag sa Philippine Competition Act, partikular sa Market Allocation and Anti-Competitive Exchange of Business Information ang isinampa laban sa 12 agri traders – kabilang ang tinugiang sibuyas queen na si Lilia Cruz.
