“GOOD luck. Good luck to the Vice President. Because the end is near,” patutsada ni House prosecutor at Bicol Saro partylist Rep. Terry Ridon sa nalalapit na pagtatapos sa pagprisinta ng mga ebeidensiya at testigo sa paglilitis ng Senate impeachment court.

“Kasi the end is near, my friends, of the presentation of our evidence, just to be clear,” pahayag ni Ridon.

Ayon kay Ridon, magpapatuloy ang prosekusyon sa paglalatag ng mga ebidensiya at testigo sa mga susunod ma araw sa kabila ng bagong pahayag ni Duterte.

“Tuloy-tuloy lang po kami. Wala po itong takot, wala itong pangamba. Tuloy-tuloy lang po ’yung paglalabas ng ebidensya ngayong linggo,” ani Ridon.

“Hindi naman ito ’yung unang pagkakataon na pinag-usapan natin itong lahat ng ito, ’di ba? But why did they actually time it today?”

Nais na rin aniya ng prosekusyon tapusin na agad ang pagprisinta ng mga ebidensya.

Gayunpaman, nilinaw ng mambabatas na hindi rin malayong magdagdag sila ng ilang testigo kung pahihintulutan ng Senate impeachment court.

Hinamon naman ni Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V, si Duterte na sagutin ang kinakaharap na impeachment charges.

“Sana tinuloy-tuloy niya na kasi sinagot niya na ’yung mga allegations kanina. Sana tinuloy-tuloy niya na rin sumagot hanggang doon sa mga allegation ng impeachment,” ani Ortega.

Ang pahayag ay ginawa ni Ortega bilang reaksyon sa ipinatawag ni Duterte na press conference kung saan sinagot ng huli ang mga alegasyon ni former police officer Rodulfo Gracioso Jr., subalit tumangging sagutin ang mga isiniwalat naman ni former Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV at ang may kaugnayan sa impeachment proceedings.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *