TALIWAS sa mandatong “to serve and protect” ang nakakasanayang kultura ng ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP), ayon kay Abra lone district Rep. JB Bernos.
“We expect our cops to uphold public safety, not endanger it. So, it is truly disturbing to learn about cops being involved in crimes against our people,” pahayag pa ni Bernos na tumatayong vice-chairman ng House Committee on Public Order and Safety.
Ani Bernos, lubhang nakababahala ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga pulis — kabilang ang umano’y panggagahasa sa isang Grade 9 student ng mga tauhan ng PNP-Drug Enforcement Group Calabarzon.
Bukod dito, mayroon din aniyang walong kasapi ng Navotas City PNP ang inakusahan nang torture ng dalawang murder suspects.
Kaya naman kinalampag ng Abra lawmaker ang pamunuan ng PNP na tugunan ang mga nasabing insidente, na bagama’t naniniwala siyang ito’y ‘isolated incidents’ lamang.
“The PNP leadership should continue to focus on honing police discipline and moral education alongside continued training to boost police personnel’s competence and readiness,” hirit ni Bernos.
“We should equally emphasize discipline among the ranks and, most importantly, that good and justice should always prevail. Kailangang top-of-mind parati ng ating kapulisan na bilang alagad ng batas at hustisya, sila dapat ang number 1 na tagapagtaguyod at tagasunod nito,” dugtong ng mambabatas.
Ani Bernos, kung hindi kikilos ang PNP leadership at hahayaan patuloy na mamamayagpag ang mga “bugok” nitong opisyal o tauhan ay tiyak na magreresulta ito sa pagkawala ng tiwala ng publiko sa kanila.
“Naniniwala ako na di hamak na mas marami ang matinong pulis kaysa sa sinasabing ‘bad eggs.’ But all it takes are a few erring PNP officers to erode trust in our police forces, so sana po tutukan nila itong concern na ito.”
