SA hangarin isulong ng mas mabilis na rescue, relief, recovery at rehabilitation sa mga lugar na nasalanta ng dalawang magkasunod na delubyo, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang state of national calamity na tatagal sa loob ng isang taon.
Batay sa Proclamation No. 1077 (State of National Calamity) bibigyan ng pahintulot ang agarang pagpapatupad ng mandatory remedial measures, tulad ng pagpataw ng price ceiling sa mga pangunahing bilihin; pagbibigay ng walang interes na pautang sa mga para sa mga apektadong sektor; at sa problema ng overpricing, profiteering at hoarding ng mga pangunahing pangangailan kabilang ang pagkain, gamot at petrolyo.
Pasod din sa proklamasyon ang pahintulot sa national at local government units na gamitin ang mga pondo para sa rescue, relief, recovery at rehabilitation programs, kabilang ang pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa mga displaced na indibidwal at komunidad.
Ipatutupad din ang post-disaster recovery measures para agad na ibalik sa normal ang pamumuhay ng mga mamamayan, gayundin ang pagpapabuti ang mga pasilidad, kabuhayan at kondisyon ng mga komunidad na nasalanta ng kalamidad.
