SA kabila ng paghina ng bagyong Uwan, nananatili ang banta sa buhay at ari-arian, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kasabay ng babala sa nakaambang daluyong (storm surge) sa ilang baybayin sa Luzon at Visayas.
Batay sa pinakahuling abisong inilabas ng PAGASA kaninang alas 8:00 ng umaga, posibleng sumampa sa kalupaan ang naglalakihang alon sa susunod ng 12 oras.
Batay sa babalang inilabas ng PAGASA nitong alas-8:00 ng umaga, posibleng magkaroon ng daluyong sa loob ng susunod na 12 oras.
Panawagan ng government weather bureau sa publiko, umiwas muna sa mga beach. Hinikayat din ang mga residente na lumikas sa mas mataas na lugar malayo sa baybayin.
Kabilang sa mga lugar na posibleng magkaranas ng mahigit tatlong metro ang taas ng storm surge ang Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.
Nasa dalawa metro naman ang taas ng alon na posibleng tumama sa Antique, Aurora, Bataan, Isabela, La Union, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Pangasinan, Quezon at Zambales.
Hindi rin lusot sa posibilidad ng isang one-meter storm surge ang mga coastal communities sa Aklan, Batangas, Bulacan, Cavite, Marinduque, Metro Manila, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Romblon.
