HINDI malayong tuluyang tanggalan ng lisensya ang dalawang sikat na abogado dahil sa mahalay na pananalita sa magkapatid na aktres.
Sa isang kalatas, unang tinukoy ng Korte Suprema sina Quezon City Rep. Jesus “Bong” Suntay kaugnay ng sexist remarks kina Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith.
Sa inilabas na show-cause order, nanindigan ang Korte Suprema na hindi kanais-nais na pahayag ni Suntay kay Anne sa gitna ng pagdinig ng House Committee on Justice noong Marso 3, 2026 kaugnay ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
“Alam mo, minsan, nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis, ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na, nag-init talaga. Na-imagine ko na lang kung ano ang pwedeng mangyari. Pero syempre, hanggang imagination na lang iyon. Hindi naman siguro ako pwedeng kasuhan dahil kung ano-ano iyong na-imagine ko,” pahayag ni Suntay sa naturang pagdinig.
Matapos ang ilang araw, humingi ng dispensa ang kongresista.
Kabilang rin sa inisyuhan ng show-cause order si Atty. Ferdinand Topacio matapos magpasaring kina Anne at Jasmine, at maging kay Gabriela partylist Rep. Sarah Elago sa programa sa radyo bilang depensa kay Suntay.
Inatasan ng Korte sina Suntay at Topacio magbigay ng dahilan kung bakit hindi sila dapat tanggalan ng lisensya bilang abogado.
“A lawyer shall not engage in conduct that adversely reflects on one’s fitness to practice law, nor behave in a scandalous manner, whether in public or private life, to the discredit of the legal profession,” ayon sa SC.
