PARA kay dating House Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, malaking benrahe ang basbas ng Pangulo sa mga panukalang batas na inihahain sa Kamara.
Partikular na tinukoy ni Alvarez ang suporta ni Pangulong Marcos Jr., para sa pagsasabatas ng House Bill 4998 (Absolute Divorce Act) na nakabinbin sa Kongreso,
Kaisa ng grupong Divorce Pilipinas Coalition (DPC), nanawagan ang kongresita kay Marcos na i-endorso sa Kamara ang naturang panukalang horit ng daan-daang raliyista sa labas ng Batasan Pambansa kung saan idinaos ang taunang State of the Nation nng punong ehekutibo.
Marso 2018 nang itatag ang DPC na meron na aniyang 120,000 miyembrong giit sa gobyerno’y gawing legal ang diborsyo sa bansa.
Bukod sa DPC, kabilang rin sa mga grupong sumuporta sa panawagang legalisasyon ng diborsyo ang Divorce Advocates of the Philippines, Inc (DAP), National Council for Solo Parents (NCSP), Divorce and Dissolution of Marriage PH (DDOMP), Failed Marriage Survivors Support Group, Annulment Process in the Philippines (APP), Pro-Divorce Gender Empowerment, Ang Boses ng Kabataan, DPC Solo Parents, Legalize Divorce in the Philippines for the abandoned and abuse spouses, at Diborsiyong Pilipino.
“Mahalaga ang pagkakataon na ito para mapalakas ang panawagan natin na maipasa na ang Divorce sa Pilipinas. Tayo nalang ang bansa sa buong mundo ang nananatiling bawal ang Divorce,” ani Alvarez.
“The Divorce Bill stands as a beacon of hope, seeking to provide a legal remedy for couples trapped in irreparable marriages to seek a fresh start. It brings an opportunity to address marital conflicts, empower individuals to break free from toxic relationships, and give them a chance for new beginnings,” dagdag pa niya.
Batay sa 2018 survey na pinangasiwaan ng Social Weather Stations (SWS), lumalabas na 60% ng mga Pinoy ang pabor sa legalisasyon ng diborsyo.
Naniniwala si Alvarez na magbibigay-daan ang diborsyo sa panibagong buhay ng mga indibidwal na nasasadlak sa dusa dahil sa pinasukang relasyon.
Buwan ng Marso noong nskaraang taon, mismong ang noo’y presidential aspirant na si Marcos Jr ang umamin na may pagkakataong higit na kailangan maghiwalay ang mag-asawang hindi na masaya sa kanilang pagsasama.
Maging si Unang Ginang Liza Araneta Marcos, kumbinsidong dapat bigyan tugon ang usapin ng diborsyo kumg ang mag-asawa’y hindi talaga magkasundo.
Hirit pa ni Alvarez, sertipikahan bilang urgent bill ang HB 4998.
“By certifying the Divorce Bill as an urgent matter, President Marcos can demonstrate his commitment to prioritize the welfare of Filipino families and embracing a compassionate and progressive approach towards addressing marital discord.”
“Pa-second at third reading na ang Divorce Bill, ilusot na natin ito para makapagbigay na tayo ng pag-asa at bagong simula sa mga nangangailangan nito,” pagtatapos ng dating House Speaker.