LAHAT gagawin ng mga kaalyado ni Vice President Sara Duterte para isabotahe ang nalalapit na impeachment trial laban sa pangalawang pangulo, ayon sa isang militanteng kongresista.
Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ni Kabataan partylist Renee Co ang umano’y tangkang ng Senate majority bloc na idiskaril ang pagdinig ng senate impeachment court sa kasong kinakaharap ni Duterte.
Apela ni Co na tumatayong tagapagsalita ng House prosecution panel, huwag gamitin ang senate investigation sa flood control scandal para lamang masapawan ang impeachment trial laban sa bise presidente.
Hindi rin aniya angkop na ilihis ang ilihis ang atensyon ng publiko sa tunay na usapin — ang pagpapanagot sa bulilyaso sa pondo ng pangalawang pangulo.
“Hindi po dapat gamitin yung flood control para sabihin o tanggalan ng kredibilidad yung pananagutang ginagawa natin kay VP Sara,” giit ni Co.
“Ang gusto naman natin lahat, ‘yung panawagan ng mamamayan lahat ng sangkot dapat managot. And so, hindi dapat politicized ang issue na ginagamit laban sa iba, ‘yung pananagutan ng iba, but rather gusto natin straight forward,” dagdag ng House assistant minority leader.
Para sa militanteng mambabatas, kaduda-duda ang “timing” sa pagbuhay ng senate blue ribbon subcommittee.
“Kung may sangkot sa korapsyon, kailangan managot. Ang pananagutan dapat sabay-sabay and pantay-pantay na ginagawa nating lahat,” anang neophyte lady solon.
Simula nung magkaroon ng pagbabago sa liderato ng senado sa mismong araw na isinumite ng Kamara ng Articles of Impeachment, pilit umanong sinasantabi ng senate majority bloc ang obligasyon litisin ang bise presidente.
Aniya, malinaw ang motibo sa likod ng isasagawang senate investigation sa floc control scandal ng Senate subcommittee na pamumunuan ni Senador Rodante Marcoleta.
