NI ROMEO ALLAN BUTUYAN II
TUMANGGI si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na solohin ang kredito sa nakuha niyang mataas na trust at performance ratings sa isinagawang survey ng respetadong OCTA Research group.
Para kay Romualdez, ang mainit na pagtanggap ng publiko sa isinagawang survey ay bunga lamang ng dedikasyon at teamwork ng mga masisipag ng miyembro ng Kamara.
“These ratings are not just numbers. They mirror the dedication and teamwork of the hardworking members of the House. Every decision made, every bill passed, is a result of our united efforts to serve the Filipino people,” pahayag ni Romualdez bilang reaksyon sa lumabas na resulta ng naturang survey.
“Surveys like OCTA’s are more than just statistics. They are indicative of the people’s sentiments on pressing issues, providing us with insights that are crucial in shaping our legislative priorities,” dugtong ng lider ng 300-strong member na House of Representatives.
Ayon kay Romualdez, ang mga kahalintulad na feedback mechanism ay itinuturing nilang mahalagang gabay para sa kanilang pagtatrabaho bilang mga mambabatas partikular para tugunan ang pangangailangan at inaasam ng sambayanang Pilipino.
“Backed by the unwavering support and commitment of our dedicated House members, we’ll continue to prioritize the initiatives that truly echo the desires of our people,” giit pa ng Leyte lawmaker.
Sa inilabas na datos para sa third quarter survey ng OCTA ay nakakuha si Speaker Romualdez ng 60% trust rating at 61% satisfaction rating, na parehong mas mataas ng 6% sa nakuha nito sa nakaraang second quarter survey.