NI ROMEO ALLAN BUTUYAN II
KUMBINSIDO ang isang senior House official na suportado ng publiko ang paninindigan ng Kamara sa usapin ng kontrobersyal na confidential and intelligence funds (CIF).
Partikular na tinukoy ni Senior Deputy Speaker at Rep. Aurelio Gonzales na tumatayong kinatawan ng ikatlong distrito ng Pampanga, ang aniya’y kapangahasan ng Kamara de Representantes na nagpasyang ilipat ang CIF ng Office of the Vice President at ng apat pang kagawaran sa iba’t ibang ahensyang may kaugnayan sa seguridad ng bansa.
Patunay ani Gonzales ang resulta ng survey na pinangasiwaan ng Octa Research Group sa kainitan ng usapin ng CIF.
Sa survey ng Octa para sa ikatlong sangkapat (quarter) ng kasalukuyang taon, nakakuha si Romualdez ng 60% trust rating at 61% satisfaction grade na kapwa mas mataas ng 6% kumpara sa resulta ng 2nd quarter ng 2023
Isinagawa ang survey mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 4 – panahon kung kailan nagdesisyon ang Kamara na ilipat ang confidential funds ng mga civilian agency.
“That’s when the controversy around the House decision to reallocate CIFs from civilian offices to agencies having to do with national security was brewing. They (respondents) agreed with the House decision as reflected in the significant increase in the levels of their trust and their approval of the performance of our leader, Speaker Romualdez,” ayon pa sa Pampanga lawmaker.
“That’s one way of looking at the survey numbers. Another way is the public is largely supportive of the all-out help our Speaker and the House in general have been extending to our President in making life better for our people,” dugtong pa niya.
Giit ni Gonzales, kinikilala ng publiko ang mga nagawa ng Kamara gaya ng paglaban sa mataas na presyo ng bilihin, iligal na droga, at mga naipasa nitong panukala na pakikinabangan ng mga Pilipino.
“Even multilateral lenders acknowledge the efforts of the House to keep the economy on the high growth path. They are upbeat about our progress,” aniya pa.