DISMAYADO si Senador Raffy Tulfo sa pagpapadeport ng Kuwaiti government sa may 350 Overseas Filipino Workers habang patuloy pa ang pakikipagnegosasyon ng gobyerno ng Pilipinas kaugnay sa mga patakaran para sa pansamantalang deployment ban sa mga domestic helpers.
Kasabay nito, hiniling ni Tulfo na magsagawa ng public apology ang Kuwaiti government sa mga Pilipino.
Ikinadismaya rin ng senador ang tila pambabalewala ng Kuwaiti government sa mga panawagan para sa proteksyon ng mga OFWs kasunod ng pagpaslang sa domestic helper na si Jullebee Ranara.
Sa hearing ng Senado, nais ni Tulfo na magkaroon ng mandatory pre-engagement seminars, background checks at psychological at medical exams sa mga employers ng mga domestic helpers.
Iginiit ni Tulfo na hindi dapat mawalan ng karapatan ang gobyerno ng bansa na protektahan ang mamamayan nito laban sa mga karahasan at pang-aabuso sa ibayong dagat.
Kasabay nito, pinuna ng senador ang kawalan ng kanlungan ng mga OFW na nakararanas ng pag-abuso kaya’t napipilitan ang ilan na matulog sa kalsada.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ni Tulfo sa Department of Migrant Workers at Department of Foreign Affairs para makabuo ng mga hakbangin para sa mapangalagaan ng karapatan ng mga manggagawang Pinoy.
Karagdagang Balita
DEDMA: WARRANT OF ARREST KASADO VS. 4 OVP OFFICIALS
PAHABOL SA NTF-ELCAC: P7.5M ALOKASYON KADA BARANGAY
PASTOR APOLLO QUIBOLOY, DINALA SA OSPITAL – PNP