SINABI ng Bureau of Fire Protection na aksidente ang sanhi ng P300 milyong halaga na sunog na tumupok noong Mayo 21.
Ang sanhi – baterya ng sasakyan na nakatago sa Mega Manila Storage room. Na-discharged umano ito at sumabog dahil sa init. Ma mga materyales din umano sa lugar tulad ng office supplies, thinner at pintura.
Dahil dito, itinuturing nang closed ang sunog, ayon na rin sa BFP.
Tinanggap naman ni Philippine Postal Corporation (PHLPost) Postmaster General Luis Carlos, ang resulta ng imbestigasyon ng BFP.
Itinutuon na lamang ngayon sa rehabilitasyon matapos ang sunog.