PATULOY ang paglobo ng utang ng Pilipinas, ayon sa Bureau of Treasury (BTr).
Batay sa datos na inilabas ng BTr, pumalo na sa halos P17-trilyon ang utang ng bansa sa pagtatapos ng Mayo 2025 – mas malaki ng P166.20 bilyon kumpara sa antas ng bayarin na naitala noong Abril.
Gayunpaman, nilinaw ng kawanihan na tumaas ang utang ng bansa dahil sa net issuances ng bagong domestic securities.
“Which reflect sustained investor confidence in the Philippine economy,” saad ng ahensya.
Sa kabuuang utang ng bansa, P11.78 trilyon ang domestic debt at P5.14 trilyon ang external obligations. (LOUIE LEGARDA)
