
KASAMA si Vice President Sara Duterte sa listahan ng mga personalidad na posibleng ipaaresto ng International Criminal Court (ICC).
Mismong and vice president ang nagkumpirma sa report ngunit malayo pa raw ang pangalan niya sa listahan kung saan nauuna sa sina Senator Bato dela Rosa, dating Philippine National Police Chief Oscar Albayalde at former Police Generals Vicente Danao at Romeo Caramat gayundin si Senator Bong Go.
“Nalaman ko iyan kasi pagdating ko doon, nagtataka ako bakit sa simula puwede pa ako bumisita araw-araw [kay FPRRD]. Hininto nila, pagkatapos nire-record na ang mga pinag-uusapan namin ni Pangulong Duterte. So, naiintindihan namin na nakikinig sila sa aming usapan,” saad ng bise presidente.
Matatandaang unang ipinaaresto ng ICC ang ama ni VP Sara na si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa crimes against humanity na nagawa umano sa kanyang giyera kontra droga.
Nananatiling nakadetine ang dating pangulo sa sa detention center ng ICC sa The Hague, Netherlands.