
Misamis Oriental Governor Peter Unabia
NAHAHARAP sa disqualification case sa Commission on Elections (Comelec) si Misamis Oriental Governor Peter Unabia dahil sa pahayag na magagandang babae lang ang dapat maging nurse.
Nilabag umano ni Unabia ang Comelec Resolution No. 11116 o ang Anti-Discrimination and Fair Campaigning Guidelines.
Sa campaign rally noong Abril 3, sinabi ni Unabia na ang nursing scholarship program ng lalawigan ay para lamang sa magagandang babaeng estudyante.
Saad niya, kung pangit ang nurse ay baka mas lumala pa ang sakit ng pasyente.