
KUNG pagbabatayan ang tropical cyclone outlook ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng pasukin ng 11 hanggang 19 na bagyo ang bansa sa susunod na anim na buwan.
Sa datos ng PAGASA, dalawa hanggang tatlong bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mula Hunyo hanggang Nobyembre.
Ayon kay PAGASA weather specialist Joanne Adelino dalawang bagyo ang posibleng mabuo ngayong buwan ng Hunyo; dalawa hanggang tatlong sama ng panahon naman sa mga buwan ng Hulyo at Agosto.
Pagsapit ng Setyembre hanggang Oktubre, posible naman aniyang higit pa sa dalawang bagyo kada buwan ang manalasa sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan. (LILY REYES)