TIMBOG sa mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang Chinese nationals kaugnay ng di umano’y pagtatapos ng lason sa Iponan River sa Cagayan de Oro.
Ayon kay Felizardo Gacad na tumatayong Director ng Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) na nakabase sa hilagang Mindanao, kabilang rin sa mga dinakip sa operasyon ang 13 Pilipinong trabahador sa minahan ng ginto sa Barangay Pigsag-an.
Pag-amin ni Gacad, narekober din sa pagsalakay ang nakakalasong kemikal na una nang nadiskubre ng DENR sa Iponan River, batay sa reklamo ng mga residente.
Partikular na tinukoy ng opisyal sa kanilang pagsusuri ang mercury na di umano’y unti-unting lumalason sa ilog na pinagkukunan ng inuming tubig ng mga pamilyang nakatira sa naturang lugar.
“We need to revisit the site to determine the prevalence of mercury use in these illegal mining operations,” ani Gacad.
“Mercury is highly hazardous to humans and the environment, particularly when exposed to the toxic chemical. Small-scale miners involved in illegal mining operations use mercury to separate gold from the soil,” paliwanag ni Gacad.
Bukod sa NBI at DENR, kasama rin sa operasyon ang Special Forces ng Philippine Army.
Kinilala ang mga inarestong Chinese nationals na sina Mingzhi Meng, Shen Chuangao, Pan Jiquan, Luo Jian Hui, at Yuan Yin Lin.
Sa imbestigasyon, napag-alamang wala rin pasaporteng hawak ang mga arestadong Tsino.
Sinampahan na rin ng patong-patong na kaso ang mga suspek.
Karagdagang Balita
LAND GRABBING BULILYASO: 23 SIKYU TIMBOG SA ANTIPOLO
13 CHINESE NATIONALS SILAT SA MINAHAN SA HOMONHON
PANIBAGONG BAGYO, KUMAKATOK NA SA PINAS