
Agarang inilikas ng mga kawani ng Southern Philippines Medical Center ang mga pasyente ng naturang ospital matapos yanigin ng magnitude 7.2 lindol ang Davao Oriental.
BINALOT ng takot ang mga residente ng Davao Oriental matapos yanigin ng magnitude 7.4 na lindol dakong alas 9:43 kaninang umaga.
Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), sumentro ang lindol sa bayan ng Manay.
Natunton din ng Phivolcs ang epicenter ng bagyong may lalim na 20 kilometro sa hilagang-silangan ng nasabing bayan.
Kabilang rin sa inuga ng bagyo ang Davao City, Bislig at Surigao City sa Surigao del Sur.
Maliban sa mga inaasahang aftershocks, pinawi naman ng Phivolcs ang agam-agam ng mga mamamayan sa katimugan hinggil sa una nang napaulat na tsunami alert.
Patuloy naman ang pangangalap ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para ng datos ng pinsala sa imprastraktura at kalagayan ng mga tao. (LILY REYES)