BAHAGI ng trabaho ng hepe ng lokal na pulisya tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan — higit lalo ang mga kabataan sa nasasakupang lokalidad, ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Brig. Gen. Christopher Abrahano.

Sa isang pahayag, partikular na tinukoy ni Abrahano ang pagsibak kay Pasay City Police chief Col. Joselito De Sesto kaugnay ng operasyon na ikinasa ng Drug Enforcement Unity.

Paglilinaw ni Abrahano, ang pagsibak kay De Sesto ay isa lamang hakbang habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa paratang na pang-aabuso sa kapangyarihan bunsod ng pagdakip at pagpiit sa mga menor de edad.

“Siya’y administratively relieved pending investigation sa aspeto ng  command responsibility sa naging operation ng DEU personnel ng Pasay.” 

Pansamantala naman aniyang tatayong acting chief of police ng Pasay si Southern Police District deputy director Col. Robert Baesa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *