SA hudyat ng Mayo 16, asahan ang kabi-kalang habulan sa kalsada sa pagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at mga traditional jeeps na di napasama sa PUV Consolidation.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, di pwedeng bumiyahe ang mga traditional jeeps na pasok na sa kategorya ng ‘kolorum.”
“Puwede na kaming mag-flag down bukas and puwede na kaming manghuli ng driver ng sasakyan dahil tapos na rin po ang binigay nating palugit para sa kanila para wag na pong mag-biyahe yung mga hindi po nag-consolidate,” ayon kay Guadiz.
Ayon sa LTFRB chief, tumataginting na P50,000 ang multang ipapataw sa driver o operatot kapag natyempuhan ng mga operatiba ng ahensya — bukod pa aniya sa pagsuspinder ng lisensya ng driver at pag-impound ng jeep.
Sa datos ng LTFRB, nasa 1,900 units pa ng traditional jeeps sa Metro Manila ang hindi sumama sa PUVMP.
Bago pa man ang takdang araw ng umaatikabong habulan sa kslsada, pinadalhan ng di umano ng LTFRB ng show-cause orders ang mga operator at tsuper na hindi nagpa-consolidate ng pinapasadang jeep
“Halos lahat napadalhan na since May 2. Namo-monitor naman namin ang pagtanggap nila ng show-cause order,” aniya pa.
Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang ilang grupo na tutol sa PUVMP pero wala pang desisyon ang mga mahistrado, at wala ring inilalabas na temporary restraining order o TRO para sana makapamasada pa ang mga tsuper na hindi nagpa-consolidate
