Ni LILY REYES
HINDI na umabot ng buhay sa pagamutan ang 39-anyos na manager nang sapakin ng lasing na kapitbahay sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.
Kinilala ang biktima sa pangalang Muhammad Ali Ramirez Macapundag, tubong Marawi City at residente ng Kalye Sta. Catalina, Barangay Holy Spirit ng nasabing lungsod.
Agad namang naaresto ang 30-anyos na suspek na si Joey Umuso Bulusan, supervisor ng isang construction company.
Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas 11:30 ng gabi (May 14), nang kumprontahin di umano ni Macapundag si Bulusan kaugnay insidente kung saan di umano ginalusan at binaklas pa ng suspek ang plaka ng nakaparadang sasakyan ng biktima.
Sa halip na humingi ng dispensa, nagwala ang suspek, sabay sapak sa mukha ng biktima.
Isinugod sa Rosario Maclang General Hospital si Macapundag idineklarang dead on arrival.
