DALAWANG bus na nakaparada sa Sta. Cruz, Maynila ang biglang nagliyab at nasunog, ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Batay sa paunang imbestigasyon ng lupong pamatay-sunog na nakabase sa Maynila, dakong alas 9:00 nang umaga nang nagsimula ang apoy sa garahe ng Eagle Star Bus Line na matatagpuan sa kahabaan ng Kalye Dimasalang sa nasabing lungsod.
Mabilis naman napigilan ng mga rumespondeng bumbero ang pagkalat ng sunog sa kalapit na kabahayan.
Kwento ng mga driver, nakagarahe lamang ang mga bus sa terminal nang bigla umano nilang napansin ang pagliyab ng mga naturang sasakyan. Unang natupok ang bus na body number 5382 at nadamay naman ang kalapit na isa pa bus (5482).
Bagamat may mga residenteng nakaranas ng hirap sa paghinga bunsod ng makapal na usok, wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa insidenteng patuloy na ini-imbestigahan ng BFP